?#!SSS!#?
hay naku..
ilang buwan ko na itong problema ang makapag hulog ng SSS contribution..
grrr..
unang problema..
natuklasan ko na mali ang aking middle name sa aking birth certificate..
ha?? pucha.. pano na ito..
pano ko aayusin ang SSS ko dapat yun birth certificate ko muna..
so lakad.. NSO..
sus.. mali nga.. imbes na MERINO, MARINO ang middle name ko.. ampon ba ako anak ako ng mga marino..hehehehe
yun ang tukso ng mga kapatid ko sa akin..
kung kailang umabot ako ng 20s dun ko lang natuklasang mali ang birth certificate.. ko
sa marikina city hall naman ang punta ko..
NSO "ah eto na yun excuse me pano ko po maayos ang middle name sa birth certificate ko?"
"eto fill-upan mo ito.. isang from na kailangan ko ng i pa xeroz ng 3 kopya..
kailangan type written at naka notaryo.
dun din nakita na pati ang middle name ng nanay ko eh mali. kaya..
isang maliit na papel ng mga supporting documents ko..
birth certificate ko at ng aking nanay
baptismal certificate
marriage certificate ng parents ko
birth certificate ng mga kapatid ko
voters affidavit ko at ng nanay ko
school records (diploma/form 137)
3-4 months ang processing fee
P 1000 processing fee
P 70 ang LBC
wuwat!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
SSS ang gusto baket nandito ako sa NSO.. huhuhuhu T_T
ano ba itong kailangan kong pag daanan..
may magagawa ba ako.. wala.. waaaaa T.T
madugo ito..
unti unti nabuo ang requirements ko.. ngunit may problema.. wala ang birth certificate ng nanay ko kailangan pa nyan pumunta sa pakil laguna.. ano???
pano na yan..
ilang araw ko ring inasikaso ito..
ayoko na napapagod na ako..
nahinto ang aking paglalakad ng documento sa birth certificate ng nanay ko..
ngunit busy ci mother.. kaya di nya maisikaso ang birth certicficate nya..
kaya binalak kong mag punta kay kapitang recto.. hehehe mag papagawa na lang ako dun..hihi
wala..
wala rin akong oras para magsadyan dun..
anong petsya na.. magpapasko na noon.. kaya nahinto ang aking paglalakad ng SSS..
gusto ko lang maghulog ng SSS..waawaaawaaa
lumipas ang pasko.. bagong taon..
simula na naman ko sa aking pakikipag sapalaran sa SSS..
ilang araw din akong pagpabalik balik sa NSO at SSS.. papatulan ko nga sana ang mga pixer sa labas ng NSO para lang sa birth certificate ko.. ayoko sayang 700..
nang nasa SSS na ako.. natuklasang ko pwede palang gamitin ang baptismal certificate..aha..
bakit ngayon ko lang nakita yan.. meron ako nun..
agad kong pinakula ang baptismal sa aking kapatid para maka punta na sa SSS..
hala pil-up pila at anong napala ko.. tama naman ang aking requirements..
"pumunta ka sa marikina branch dun ka mag fill ng SSS contribution mo"
ha?? ano..
ang maagang pag punta ko at pila ko ay naaksaya na naman..grrrr
hala may magagawa ba ako..grrr..
ngayong biyernes dahil sa kakulangan ng oras dapat pumunta na ako ng SSS..
hala gicing na naman ng amaga.. ok lng biyernes naman ngayon konti ang tao..
pag punta ko pa lang.. nyaaaaaa....
umaapaw ang tao.. anong meron pila ba ng kasal kasali kasalo..waaaa
buti na lang kumuha ng ako ng form kahapon..
kaya fill-up na ako at pila.. meyo mabagal ang pila.. hala may lunch break pala cila kailangan makahabol.. kundi..
hay.. salamat nakahabol..
binigay ko na ang form at requirements ko.. naka cross finger ako habang binabasa ang aking form..
konting tanong.. "o cge tatawagin ka na lang"
ok..
medyo nakahinga na ako.. pero malalaman ko pa kung approve ang aking self-employed SSS contribution..
medyo matagal kung iba tila kanina pa at inip na inip na sa paghihintay..
eto na ang unang batch ng approved..
pinagpapawisan na ako.. pano kung di ako ma-aprobahan.
2nd bathc.. 3rd..
"divinagracia"
taas agad ako ng kamay..
napangiti agad ako sa pagbasa ng papel ko..
malaking approved ang nakatatak sa papel ko..
horay... after 3 months..
yohoo.... ^_^
marikina brach lang pala ang magliligtas sa aking..hihihi
i love marikina!!!
Friday, January 26, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment