Wednesday, January 31, 2007

reflections

Reflections

after kong mabasa ang ABNKKBSNPLAKo?? ni bob ong..

naicip ko may natutunan ba ako??

ano ba talaga ang gusto ko..

pagakatapos kung maka graduate so college ng BS. Architecture tila pumasok sa isip kong kalimutan na ang Architecture..

ayoko ng course ko.. kaya lang nandyan na yan.. kaya ko namang tapusin.. edi.. tinapos ko..

kaya di ko magawang profesion ito ngayon.. dahil alam ko sa sarili ko na di ko pinag buti o binigaya ng best ko sa pag-aaral noon.

di naman sa naglakwatcha ako. ok naman ang mga grades ko..

kaya lang alam kong di architecture ang mundo.. nandun sa laging tinatanaw na Fine Arts

sa pag pasok ko sa college di akong hirap pumili ng course.. dahil mataas ang grades ko noon high school. mataas din agn entrance exam ko. ewan ko ba kung bakit di ako kumuha sa ibang eskwelahan akala ko kasi makakapasok ako sa UE. kala ko kaya nilang pagaralin ako doon..

di pala.. pag pasok ko di ko pa alam ang course ko.. nataong naglilibot ang dean ng architecture.. kung baga nag re-recruit ng estudyante.. ayun nahatak ako.. napunta ako sa architecture..

huli na nang malaman ko na mat fine arts pala sa kwelahang iyon..

nabulag na ako ng pangako ng arhitecture na ako ang magiging boss, leader sa contrcution site at kikita ng malaki balang araw.. yun ay kung mag honor kang naka graduate, kung matalino ka at maabilidad at mayaman.

ewan ba tapang lang ata at happy happy ang nasa icip ko nun sa college..

di ko naman cinasabing impierno ang college days ko.. astig nga eh.. (saka ko na i kwento ^_^)

ayun naka graduate after 5 years..

mag t-tatlong taon ng akong graduate sa march pero hanggang ngayon wala akong naging trabahong related sa course ko..

una kong pinasukan pag kagraduate ko ay call center, sumunod finacial/loan company at ngayon eto sa isang NGO bilang researcher, proj staff, print and layout designer.

na a-apply ko lang ang course ko sa pag l-layout ng flyers, tarp at print publication ng projects namin. the rest ibang linya na..

malayo sa course ko.. wala akong hawak na malalapad na papel, walng t-square at mga lapis at tech-pen. walang binabasang libro na may mga sukat ng sala, kusina at desing ng bintana, walang malalaking triangle 45 degrees at 90 degrees at walang architect na mayabang.

inicip ko kung sa ganung lugar ba ako nag t-trabaho masaya ba?

ang mga clasmate ko na kasabayan kong nag graduate nasa ganun trabaho.. pero hanggang ngayon wala pa akong nabalitaang naregular sa kanila o nag tagal sa trabaho..

hay.. ano ba? tama ba ang gingawa ko nun college.. ang tumanaw na lang sa fine arts advertising at maki usyoso..

ano kaya kung magbalik ang panahon..

pipiliin ko ba ang fine arts magbabago ba ang katayuan ko ngayon sa buhay?
may asawa na kaya ako o di ko natapos ang pagaaral ko?
nasa makati na ako nag t-trabaho o naka alis na dito sa pinas?

alam ko.. nag sisi ako sa pag kuha ng kursong ito..

dahil wala dito ang puso ko na canvast, kulay, photography at layouting.

No comments: