1.) Hunger stroke- Kahit na gutom hindi parin kumakain.Minsan hindi makaramdam ng gutom..malalaman mo na lang na kailangan mo nang kumain kapag randam mo na nahihilo ka na.
2.) Lamoness- Ito yung tipo na gusto mo na lang kumain, lahat..basta masarap pero pag kumakain ka naman e lumilipad sa kawalan ang isipan at parang wala kang nalalasahan.
3.) Kama derie- Palaging nasa kama. Pero hindi naman natutulog.Mas feel mo na patay ang ilaw..nag iimagine ng mga good memories ninyo then kung ano yung bagay na kapalpakan na iniisip mong sana hindi nalang nanyari then saka ka magiisip na sana totoong may time machine.
4.) Kama tose- Palaging nasa kama rin. Pero para matulog lang. Tulog lang ang sagot sa problema. Magigising ka na lang para kumain ng konti, jumingel, o magbasa ng text message at nagbabaka sakali na may marereceive kang txt messages na " I miss u d q pla kyang mwala ka, tyo na ulet" or "Ikw pla tlaga ang lab q,at hindi sya".
5.) Mall freak- Feel mo na i treat na lang ang sarili. Bibili ka ng kahit na kung anong gusto mong bilhin(kapag may pera). Sa pag uwi saka mo lang mapapansin na mga walang kwentang bagay pala ang pinamili mo.
6.) The Barkad's- Mag aaya ka ng mga kaibigan mo na mag mall kayo o mamasyal, kadalasan yung mga kaibigan na alam mong kilala at alam ang kwento ninyo. Umaasa ka rin sa mga comments na tulad ng mga ganito "Feel ko mahal ka parin nun, Siya ang may mali pare, Ipakikilala kita sa ibang kilala ko na mas maganda pa ron(my favorite), Magkakabalikan rin kayo" at iba pang comments na alam mong makakapag paginhawa sa iyo.
7.) Beermate- Common na ito.Kadalasang unang ginagawa sa unang araw na nabasted/nakipag break ang dyowa/may ibang lalaki ang dyowa/dating lalaki pala ang dyowa.
May 2 uri nito.
1.)Mas gusto ng may kasama para may paglalabasan ng sama ng loob.
2.)Mas prefer na walang kasama. Mas gustong nagiisa. Kapag lasing sila yung kadalasang nagpapakilalang anak ng mayor,congressman o general.
8.) Suicidal- Common na rin. Minsan panakot lang. Kadalasang may titulo na "Mahal na mahal kita" "Hindi ko kayang mawala ka" ang mga suicide notes. Pang jologs na style e yung text message sa mahal mo na magpapakamatay ka then saka mag we wait ng mga ilang oras para sa reply nya na "Wag mong i2loy yan, mgusap tyo, mhal prin kta".
9.) Internitwit- Ito yung mga tipo ng sa internet naglalabas ng sama ng loob. Tambay ng chatrooms at nagbabaka sakaling may makikitang kapalit nya at mawawala yung pagka broken hearted in a instant. Meron ding sumasali ng mga internet forums para lang mambwiset.
10.) Haterz- Ito yung kadalasang kinauuwian ng mga mabababaw. Ito yung tipo na sisisihin ang lahat ng ka gender ng nanakit sa iyo. Nagiging favorite motto ang: "Pare pareho lang yang mga lalaki/babae..mga manloloko".
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment