Thursday, February 22, 2007

She hates girls

She hates girls

after 3 yrs kung maka graduate s college baket napapanaginipan kita??

baket????


makikilala mo lang sya dahil magaling sa math copyahan ng bayan.. yun lng
tahimik na tao tahimik din ang barkada nya.
mahirap minsan kausap dahil parang nangbabara

minsan nag katuksuhan dahil sa pagpupulot ng kalat.
ayon sa aming masungit na prof sa steels (math 8) bawal daw umalis saroom ang walang dalang kalat.. hala ang lahat ay nag-unahan sa balat ng kendi, nilukot na papel makalabas lang sa impyernong room na out of 40 12 ang pumasa.

nagtawanan ang barkada namin dahil napansin namin hawak nya ang dibdib nya habang nagpupulot ng kalat.. ayyyy gurl sya..
doon na nagsimula ang palitan ng biro at asaran
kada makikita namin sya hinahawak namin ang damit namin nangagaya sa ginawa nya at napapangiti naman sya..

simple lang sya laging nk V-neck n puting t-shirt naka cap semi kalbo raymark ang pangalan nya un lng.. pero ang iba matatandaan pa sya pag sinabing "yun magaling sa math"

unti-unti naging close kami.. pinakilala ko sya sa mundo ng ingay sa mundo ng fine-arts sa mga rakista, nagbabanda at skateboarding..

marunong pala syang mag0gitara at di lang marunong magaling... bumabanat malupet ika nga..
parang nag iba na ang mindo nya lagi na syang nakatambay sa fire exit kung saan ako tambay at asahan mong magulo at maingay.. nun una sinasamahan ko lang sya dun hanggang sa doon na ata sya nakatira.. naging bukang bibig sya ng mga klasemates namin.. at nagulat na lang ako "garvage" na ang pangalan nya. sabi nila galing daw sa apelido nya na garvida, sabi naman ng mga barkada nya sa basura daw dahil ang dumi nya.. madumi nga kasi mahaba na ang buhok nya trasher na ang porma wala na ang tahimik na raymark.

naging close kami.. pag dumating ako sya ang hinahanap ko, pag dumating sya ako hinahanap nya.. ganun kami tapos pag nagkita na hiwalay na ng landas kongtign kwento, asaran at kopya ng assignment layas na sya agad..

mag insidenteng di ko malusutan noon napa "oo" ako sa nanliligaw sken na di ko naman gusto eh gusto kong bawiin un sagot ko nun sinabi ko kanya hala binatukan ako sabay sabi "ano ka ba, tao ka??" ang layo pero na get ko kung ibig nyan sabihin..

kami daw sa skul meaning jowa ko sya para pwede na akong makipag hiwlaay sa lalaking iyon (crush ko yun pero hanggang cruch lang) ok tagumpay napaniwala namin ang kumag, bilang pag papangap nag sayaw kami (acquittance party kasi nun) kahit di sya marunog di naman sya makatangi sken kaya ang nagyari kamustahan na lng habang nakakailang tapak na sya sa paa ko..

nang pauwi na sabay syempre kami.. pagbaba ng hagdaan nag holding hand kami.. (syempre konwari lng yun) hanggang sa gate.. nang palabas na kami nag kalas na kami ng kamay pero nag punas lang pala sa ng kamay at sabay sabi "holding hands ulet tayo ang sarap eh" namangha ako sa sinahi nya ganun sa kainosente sa babae, samantalang 3rd college na kami nun.

naging mas close kami kabatuhan ko ng kalat sa klase at taga bili ko ng meryenda. taga bitbit ng bag ko at taga pag tangol ko sa nanaasar ng barkada..

alam ko ayaw nya sa mga babae, napag usapan namin un minsan sa phone.. di naman ako umaasa na maging kami dahil sa sinabi nyang yun.. pero huli na ata ako para sabihing friends lang kami..

isang gabi nag-iimunan sila ng narkada namin.. kaaalis ko lang nun tinanong sya ano ba daw ako sa kanya "may gusto si *** kaibigan ko yun kaya pinoproteksyonan ko lang si joann"
"talaga baka naman ginagawa mo un dahil may gusto ka rin sa kanya?"
"wala, ganun lang talaga kami. alam mo na"
"o baka ginagawa mo yun dahil may gusto ka rin sa kanya?"
"hindi"
"nun nag holdign hands kayo ano naramdaman mo?"
".................anong masama dun?"
"sabi ko na nga ba? ; )"

nan bumalik ako may ibang ngitian sila ewan ko ba kung positive yun pero parang masama eh..

nun mga sumunod na araw wala ng garvage na naghahanap sken, wala na sya sa tambayan laging wala, wala naman sa rooftop ng skol, wala rin sa dulong room para mag jamming.. wala..
wala na sya...

umuwas sya... gusto ko sanang sabihing wala akong gusto sa u, hindi kita gustong maging bf, wag ka sanang magbago.. pero huli na wala na sya.. kahit pag nakikita ko sa malayo di man lang ako nililingon, kahit ipapkilala sya ng mga barkada ko sken para magbiro dedma sya..
sabi nga nila break na daw kami..

umuwas sya sken na sabi nila di daw nya kasi matagap na may gusto sya sken..hahahaha
umuwas dahil sa ganun.. ironic biglang nawala ang friendship namin..

isang araw, nagpapalipad kami ng mga papel na eroplano sa rooftop nagkita kami.. di sya pwedeng di lumapit dahil nasa tabi ko yun kausap nya.. ako nakaupo lang nagpapamasahe ng paa (boss ako eh) isang tingin lang.. at umalis na nan biglang "ok lng bang magpagupit na ako" may konting ngiti..
"hindi ok lng bagay pa sa u"

tinignan ko sya ng umalis sabay palipad ng papel na eroplano..
sinulat ko dun ang pangalan nya..


Raymark,

sana magkita tayo ulet
sana inosente ka pa rin sa babae
at sana magusap tayo katulad ng dati..

joann



No comments: