Wednesday, February 07, 2007

goodbye sunshine

goodbye sunshine



i love him..


he made my day complete..

when im lonely he is always there to cheer me up..

always on my side when my tears fell..

when my heart broke into pieces and when im feeling sad..







i miss chocolates..




how can i live without cholcolate..

bata palang ako.. isa ako sa maswerteng laging may chocolate sa kamay..

sa goya kasi ang t-trabaho ang lolo ko..hehehe

di na tinatanong kung anong in na chocolate sa amin.. dahil di pa lumalabas sa market.. sawa na na kaming magpipinsan..

madalas pa kaming tambay ng ate ko sa goya dahil nagtuturo ang lola ko ng volleyball doon kaya para tumahimik kami at di mang gulo sa loob ng pabrika at baka masama pa kami sa mga lolipop na ginagawa eh binibigyan kami ng isang supot ng tsokolate as in isang paper bag na ibat ibang klase ng tsokolate..

syempre nga naman di na kami gagalaw sa kina uupuan namin dahil di kami mag kanda ubos..

kahit nun lumalaki na kami.. bibili kami ng skambol at uuwi agad ng bahay para mag dadag ng Hershey's sa ibabaw nito..

kung may kaaway naman peace offering namin ang tsokolate sa mga kaaway..

hay..

nang kami naman ay naglakihan (hep hep .. tumanda pala ako)^_^

nag retired na si daddy(lolo) pero na pasok naman ang tito ko pero nestle na ang goya (nabili na nag nestle ang goya)

kaya international na ang pang lasa namin..hahahaha

parang pandesal ang kitkat..
desert ang nicknack
pamato ang baby ruth..
give away ang batterfinger


sawa kung sawa..

ganun ang buhay namin.. kada pasko nga eh kahon kahon ang tsokolate namin pang give away at regalo sa mga kamag anak..

pero ngayon...

sabi ng dentista ko pag katapos ilagay ang braces ko
"bawal ang chocolate"

bawal ang chocolate bawal ang chocolate.. bawal ang chocolate... bawal ang chocolate............

tila nagunaw ang mundo ko..

babye van houten with almonds
kitkat, lala, cho flavor, dark chocolate, chocnut.. bye...

ahhh.. mababawasan ata ang live span ko..
iikli na ata ang pacensya ko..
mawawalan na ata ako ng kasama sa bintana..
wala na ata akong tatawaging cute..

parang akong bulag pag namimili ako.. di ako makatingin sa kanila..
baka makita kong naka ngiti sila saken at sinasabing take me.. taken me..

hay..

it this the price i have to pay..

1 comment:

Lesa said...

Good words.